Categories
Quotes

Andres Bonifacio: Manifesto ng Supremo

Today we commemorate the 156th anniversary of Andres Bonifacio’s birth. Father of the Philippine Revolution, considered by some historians to be the first President of the Philippines, a revolutionary, mysterious and controversial figure, and an enduring symbol of the struggle for the Filipino masses for a better nation.

Engraving of Filipino insurgent leader Andrés Bonifacio from February 8, 1897 issue of La Ilustración Española y Americana, a Spanish-American weekly publication. Captioned (in Spanish): “Andrés Bonifacio, titled “President” of the Tagalog Republic“. From a photograph. Source: Wikipedia

What originally began as re-posting the immortal passage from the famous patriotic call “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog” attributed to Andres Bonifacio, I decided instead to re-post a lesser known speech or manifesto issued either February or March of 1897 as a patriotic call to the Katipuneros in response to the attacks made by the Spaniards at Silang, Zapote in Cavite and in Batangas.

Sa Marahas Na Manga Anak Nang Bayan:

Ang inyong ipinakilalang katapangan sa pakikihamok sa kaaway na mga Kastila buhat pa ng simulan itong panghihimagsik, ay siyang nagsasabing mataas na di ninyo ikinasisindak ang ugong ng paghahanda at pagsalakay dito ng hukbong akay ni Polavieja, na sa kaunting panahon ay nagpakilala na ng malabis na kaduagan at hamak na kaasalan ng alipin sa kanyang pagpapahirap at malimit na pagpatay sa makapal na kalahing hindi nagsisilaban. Yaong pagpapasunog nito sa mga bayan, yaong paglapastangan at pagdungis sa capurihan ng mga babai na di na pinacundanganan ang canilang cahinaan, yaong pagkitil ng buhay ng mga matatandang hindi na macausad at sanggol na sumususo pa, na cailan may hindi aasalin at gagawin ng sino pa mang lalaking may puri at may tapang, ay humihingi ng isang masiglang paghihiganti at matinding caparusahan.

Sa inyong pamimiyapis mangyayaring abutin ang cayo’y tanghalin bangkay sa gitna ng parang ng pakikidigma; ngunit ito’y isang kapurihang inyong maipapamana sa ating Bayan, sa ating lahi, at sa ating angkan.

Ang inyong mapupugtong hininga, ay siyang magbibigay buhay sa ating Bayan at siyang matamis na alaala sa gunita ng inyong mga kapatid na maiiwan.

Dapat naman ninyong mabatid, na ang kadahilanan ng ating paggugugol ng lalong mahalaga sa loob at sampu ng ingat na buhay, ay ng upang tamuhin at kamtan yaong linalayong Kalayaan ng ating Bayang tinubuan na siyang magbibigay ng buong caginhawahan at magbabangon ng ating kapurihan na ilinugmok ng kaalipinan sa hukay ng kadustaang walang makatulad.

Sasagi kaya sa inyong loob ang panlolomo at aabutin ang panghihinayang na mamatay sa kadahilanang ito? Hindi, hindi! Sapagka’t nakikintal sa inyong gunita yaang libolibong kinitil na buhay ng mapanganyayang kamay ng Kastila, yaong daing, yaong himutoc at pananangis ng mga pinapangulila ng kanilang kalupitan, yaong mga kapatid nating nangapipiit sa kalagimlagim na bilanguan at nagtitiis ng walang awang pagpapahirap, yaong walang tilang pag agos ng luha ng mga nawalay sa piling ng kanilang mga anac, asawa at matatandang magulang na itinapon sa iba’t ibang malalayong lupa, at ang katampalasanang pagpatay sa ating pinakaiibig na kababayan na si M. Jose Rizal, ay nagbukas sa ating puso ng isang sugat na kailan pa ma’y di mababahaw. Lahat ng ito ay sukat ng magpaningas sa lalong malamig na dugo at magbunsod sa atin sa pakikihamok sa hamak na Kastila na ang nag bibigay sa ating ng lahat ng kahirapan at kamatayan.

Kaya mga kapatid, igayak ang loob sa pakikipaglaban at paaasahan ang pagtatagumpay, sapagka’t na sa atin ang tunay na katuiran at kabanalang gawa; ang Kastila, iyang kasuklamsuklam na lahing dito’y napasuot, ang tanging ipinaglalaban ay ang maling katuirang panggagaga at panlulupig dito sa di nila bayan.

Sa lahat ng ito, ng malubos ang kabanalan at kapurihan ng ating lahi, ng tanghalin ng Sandaigdigan ang kamahalan ng ating kalooban, ay huag nating tularan ang kalabang Kastila sa pagkahamak ng asal sa ugaling gamit sa pakikidigma, huag tayong makipaghamok sa kaibigan lamang pumatay, kundi sa pagtatanggol ng Kalayaan ng ating Bayan, at abutin sa mahigpit na pagkakayap nating mga anak ng Bayan, ay mahiyaw ng buong lakas na Mabuhay! Mabuhay! Ang Haring Bayang Katagalugan!

Andres Bonifacio, Manifesto: Sa Marahas Na Manga Anak Nang Bayan. From 20 Speeches that Moved a Nation edited by Manuel Quezon III.